A while ago I chatted with an old friend and I told her that I saw her on TV, it is about a presidential candidate with his supporters which includes her, when she asks me if I am a registered voter I said yes since 2004, and she asked me whom will I vote for, after saying that I will think about it, she told me that I should vote for him… then came silence… maybe she got what I was trying to say, that this candidate is still on my second list because I have one in my mind.
“Ganyan kayo hindi kayo naninidigan part pa naman kayo ng body of Christ pero di nyo pa rin binoboto ang tama”
That was her last word if I remember (not that exact though)… no buts… no ifs… wala nang pagkakataong magsalita wala nang pagkakataong ipaliwanag kung bakit hesitant akong iboto ang taong nirerespeto ko ng tunay. Let me clear this, hindi ako nagalit nung sinabi nya yun, sa totoo lang I understand her position, I understand her cause, I understand yung pinaniniwalaan nya na ang kandidato lang nya ang pag – asa sa pagbangon ng Pilipinas, na anim na taong walang corruption sa Pilipinas, na isa syang taong may takot sa Diyos. Pero ganun din ang sasabihin sa kin ng ibang kampo, pag hindi ko sinabi na iboboto ko ng 100% ang kandidato nila.
Lahat naman ng tao gusto ng pagbabago, ang problema lang madali silang ma – hype sa isang slogan lang, in other words “uto – uto” ganyan ang nangyari sa ka – alyado nating bansa, “Change “daw hanggang ngayon ganun pa rin sila. Naniniwala ako ang lahat ng bagay ay dapat pinag isipan at binibigyan ng panahon upang mapag aralan, lalo na if this will affect your future or your country’s future, hindi porket magaling, matalino, mabait, magaling sa sining, bata, lider ng isang relihiyon o Olympic swimmer sa dagat ng basura, e paniniwalaan mo na agad, aba, magpasko ka ba naman sa gitna ng kalsada tingnan natin kung di ka ma – hit and run, subukan mo sa EDSA, pero ang galing buhay pa siya ngayon, astig…
Tandaan binigyan tayo ng utak ng Diyos para tayo ang gumamit at hindi para ipagamit natin sa iba, tayo dapat ang magdesisyon kung sino ang iboboto natin, hindi dapat tayo magdesisyon just because that is what your leader decided for you or your religion, club, or movement tells you to vote these people may list pa na ibibigay sayo, nakakainsulto naman yata yun, kung ganun na lang eh di sana centralized ang utak natin na parang aircon sa isang mall. Pero you can support naman as long as it is according to your decision and your conscience and not because you are dictated to do it.
May naalala akong tinanong sa ‘kin, ano ang gusto mo yung God – fearing pero hindi naman competence o yung competent pero God fearing? In terms of politics I am more impressed with those people that are doing a genuine – service to the people, not bragging about it. Minsan kasi mas impressed ang mga tao if they see that politician na laging laman sa screen ng TV that is always telling yung ginawa nya, na 3000 na ang mga naipagamot nya, 5000 na ang binigyan niya ng bahay at lalo na yung mga opposing na laging may ineexpose na kung anu ano, na lahat na lang ng ginagawa ng gobyerno ay mali at sya lang ang tama kaya ang nangyayari walang nangyayari, bakit kaya ganun? Bakit laging tama ang mga taong nasa oposisyon? Hindi ba nila alam na kapag sila naman ang uupo sa administrasyon eh may mga oposisyon naman laban sa kanila? Paikot ikot lang ang mga nasa pulitika parang daga na nakakulong sa “mousewheel” plastikan, balimbingan, pagpapanggap, pasikatan, pabaitan at palinisan, lalo na nung nagkaroon ng sex scandal, naku po naglabasan ang mga nagmamalinis na politician, at may nagsabi pa na “You are the worst of all perverts” hmmm… so that one he is referring to is the worst and the one who said it is one of the worst, bakit? Bahala na kayo. I believe that marami namang God – fearing sa gobyerno natin na nilalabanan ang corruption pero let’s face it hirap sila, marami kang babanggain, sarili mo, mga kaibigan mong buwaya at ang bulok na sistema na nakaugat na sa pattern ng government. Sabi nga nila “a good politician is as good as a dead one” Pero hindi naman lahat.
I see one candidate as a God – fearing person, pero by means of competence? I don’t know. Hindi pa kasi siya naging councilor, congressman, senator etc, kaya technically wala pa syang experience sa politics. I know of his platforms and I admire it, pero kelangan ko pa ring pag – isipan kung iboboto ko nga ba siya o hindi. (Malay natin while writing this I will realize who I will vote na finally) Kung kilos lang tayo ng kilos at hindi natin pinag iisipan ang lahat and we are not praying for it, well, I know that Mr. Presidential Candidate really prayed for it, pero if we didn’t do our part then wala tayong pinagkaiba sa ibang leftist na basta na lang mag ra-rally pero hindi naman alam kung bakit nila ginagawa yun. Ganito kasi ang reality eh, lahat ng tao may vested interest yan, kahit gaano pa ka – noble ang intention nyan meron pa rin yan kasi we are sinful by nature.
One of the mindset ng mga tao is that kelangan may mapatunayan ka, ganyan sa mundo, hindi lahat kristiyano, imagine if you have an expensive car, are you going to let a student driver to drive it? Of course not, unless mayaman ka at hindi ka naman naghihinayang kung masira ang sasakyan mo, pero mayaman nga ba ang Pilipinas? sa likas na yaman oo, pero hindi sa ekonomiya, at hindi rin ito mayaman sa mga Godly – leaders pagdating sa gobyerno. Kaya napaka – delicate ng Pilipinas pamunuan kasi konting pagkakamali na lang eh malamang sasabog na ‘to at tuluyang bumagsak, siempre preferred ng tao ang may experience, gusto nila yung nakikita nilang magaling at matalino, pero as I look upon it, kahit may experience na, wala pa ring nangyayari mahirap pa rin ang bansa tamad pa rin ang mga Pilipino, mas tumaas ang brain drain sa bayan. At ang masakit pa, tumatakbo pa ulit. Dahil dito naisip ko that it is not the experience that dictates how good you are, rather how good you are will dictate what you will experience.
Risk, yan ang kadalasang bitbit ng mga businessmen at mga nanliligaw, risk, dyan takot ang mga Pilipino, ayaw na sumubok ng bago, gusto yung nakasanayan na, isa na rin yan sa tanda ng katamaran ng mga Pilipino, hindi nila alam dyan yumaman ang mga kapatid nating Tsino. Pero pagdating sa eleksyon are you willing to take risk? Kung medyo duda ka sa iboboto mo pero alam mong may pagbabago pag sya ang naupo at siya pa rin ang binoto mo risk yun. So are you willing to take risk? Malamang 6 years nating pagdudusahan o ieenjoy ang ginawa nating desisyon, pero kung ayaw mo na at hindi mo matiis pwede naman ulit mag rally o mag People Power basta siguraduhing mong NAGBABAYAD KA NG TAX, NAGTATRABAHO ka, at BUMOBOTO ka, dahil wala kang karapatang gawin ang mga ito o kaya magreklamo kung WALA kang naibabahagi sa pag – unlad ng bayan, pero baka maging manhid na din ang sistema pag puro People Power na lang lagi, wala na bang iba? Napatunayan na yan ng panahon eh, ilang People Power na rin ang naganap pero wala paring nangyari… Ganun pa rin, marami pa rin ang mahihirap, may patayan pa rin, may korupsyon pa rin at ang masakit parang walang pinagkaiba ang pumalit sa pinalitan madiskarte nga lang itong isa at magaling magtago. Kaya hindi pa rin ito ang solusyon.
Naniniwala ako na kapag ang binoto natin ay ang tama, dapat sundin din natin ang tama, at gumawa ng tama.
As I’ve read Acts 6: 3, I was reminded that you can have wisdom even if you don’t have the Holy Spirit with you however, it is not a good wisdom and it is your sinful nature that is working in you, but, if you have the Holy Spirit with you then you will have his wisdom and it is the Holy Spirit that is working in all aspects of your life. Malamang kung ganito ang mga namumuno eh di mas maganda. We need a Godly – leader… kasi wala pa ring tatalo sa wisdom coming from God na siyang pinaka DAKILA sa lahat ng administer, leader, king, pinuno etc.
So ikaw, have you found your candidate? God – fearing ba siya? Competent? Or meron ba siya nun pareho? Pero tandaan, walang perfect na leader.
Ako may nahanap na, at wag mo nang tanungin kung sino.
Tuesday, April 13, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment